UMABOT sa 23 katao ang nalapnos ang katawan makaraan mag-leak ang LPG refilling station sa Pasig City, nagresulta sa pagkalat ng apoy at nadamay ang dalawang kalapit na gas station, hardware at ilang kabahayan nitong Miyerkoles ng madaling-araw.
Ayon sa Public Information Office ng Pasig City government, ang 23 biktima ay isinugod sa iba’t ibang pagamutan dahil sa third-degree burns bunsod nang naganap na sunog na nagsi-mula sa storage area ng Ragasco Refilling station sa Sandoval Street, Brgy. San Miguel, Pasig City.
Sa 23 biktima, 22 ay mga empleyado ng LPG (liquefied petroleum gas) refilling station.
Ang isang biktima, empleyado ng furniture store, ay nabagsakan ng gumuhong pader bunsod ng impact ng dalawang magkasunod na pagsa-bog sa LPG refilling station.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinikap ng mga empleyado ng LPG refilling station na kontrolin ang leak bago inalerto ang BFP dakong madaling-araw.
Ayon sa BFP, ipinagbigay-alam lamang sa kanila ang insidente pa-sado 1:00 am.
Umabot ang sunog sa fifth alarm, ang pinakamataas na alarma, nakontrol dakong 2:23 am ngunit naapula ang apoy dakong 3:10 am.
Ang tinatayang pinsala ng sunog ay umabot sa P20 milyon.
HATAW News Team