DESMAYADO si PNP Chief, Director General Ronald Dela Rosa dahil walang chopper ang PNP para sa pagsasagawa ng aerial monitoring para maobserbahan ang traslacion.
Sinabi ni Dela Rosa, wala nang pakinabang ang mga segunda-manong choppers ng PNP na binili noong 2009.
Ayon kay PNP chief, “beyond economic repair” na ang dalawang Robinsons choppers, ibig sabihin ay mas magastos pang ipagawa ang choppers kaysa bumili ng bago.
Ibinunyag din ni Dela Rosa, plano nilang bumili ng dalawang bagong choppers sa taon na ito upang mapalakas pa ang kanilang capability.
Kasama aniya ang choppers sa mga bagong kagamitang bibilhin ng PNP bilang bahagi ng kanilang move-shoot-communicate upgrading program.