Saturday , November 16 2024

Libreng rehabilitasyon isinusulong ni speaker Alvarez

NANAWAGAN si House Speaker Pantaleon Alvarez na suportahan ang iba’t ibang samahan na nagkakaloob ng libreng rehabilitasyon sa mga nalulong sa ipinagbabawal na droga.

Aniya, ito ay upang mapanatili ang pagtatagumpay sa mahigpit na kampanya ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot.

Nais din ng speaker na mai-salba ang mga kabataan sa posibilidad ng pagkasugapa sa droga at maging kriminal sa kalaunan.

Inihalimbawa ni Alvarez ang Tuloy Foundation na pinatatakbo ni Fr. Marciano “Rocky” G. Evangelista na nagtayo noon pang 1993 sa Tuloy sa Don Bosco Street Children Village sa Alabang, Muntinlupa.

“In line with President Duterte’s advocacy to save the youth, especially the abandoned children from criminal elements and drugs, we want to duplicate the charity being showered by the Tuloy Foundation led by Fr. Evangelista,” ani Alvarez.

Pawang mga inabandonang mga kabataan ang pangunahing kinukupkop ng Tuloy Foundation na nagbibigay ng mga programa at kompletong rehabilitasyon sa mga palaboy upang maging ma-buting mamamayan.

Nag-aalok ang samahan ng tirahan, pagkain, damit, medical at dental services, spiritual at moral formation, values formation, recreation, crisisintervention, individual therapy, counseling, sports, recreation, nature therapy, music, dancing, singing, at acting, visual arts.

Meron ding programang pang-edukasyon gaya ng  automotive servicing, refrigeration, air-condition servicing, building wiring installation, ba-king science technology computer hardware servicing, basic metal arc welding (short course), culinary arts, at pananahi.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *