Saturday , November 16 2024

Bebot todas sa tandem

BINAWIAN ng buhay ang isang 30-anyos babae makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanyang tiyuhin kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay si Melanie Bayani, ng 193 Natividad St., Brgy. 81 ng nasabing lungsod.

Patuloy ang follow-up investigation ng mga pulis u-pang matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Ayon sa ulat ni PO3 Edgar Manapat, dakong 3:00 am nang biglang pagbabarilin ng mga suspek ang biktima sa Calye Uno at B. Natividad streets habang kausap ang kanyang tiyuhin na si Virgilio Bayani.

Nauna rito, nang nakikipag-inoman ang biktima sa Bustamante St., ay may nakatalo si-yang hindi nakilalang lalaki sa hindi nabatid na dahilan.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *