Saturday , November 16 2024

10-anyos nene patay sa sakal ng ‘rapist’ (Walang banyo dumumi sa tabi)

BACOLOD CITY – Natagpuang patay ang isang 10-anyos batang babae makaraan sakalin ng isang lala-king hinihinalang tangkang gumahasa sa kanya kamakalawa sa lungsod ng Cadiz, Negros Occidental.

Mismong ang ina ng biktima ang nakakita sa bangkay sa damuhan, 100 metro ang layo sa kanilang bahay bandang 1:45 pm.

Ito ay kasunod nang paghahanap makaraan ipabatid ng kambal ng biktima na nawawala bata simula dakong 8:00 am.

Ayon kay Supt. Jose Edel Manzano, hepe ng Cadiz City Police Station, agad nilang ipinasailalim sa post mortem examination ang bangkay ng biktima at napag-alaman na “asphyxia due to strangulation” o sakal ang ikinamatay ng bata.

Hinala ng pulisya, posibleng tinangkang gahasain ang bata ngunit lumaban kaya sinakal ng suspek.

Napag-alaman, dumumi ang bata sa lugar dahil wala silang sariling banyo.

Ayon kay Supt. Manzano , isolated o malayo sa ibang kabahayan ang tahanan ng biktima.

May nakuhang witness ang pulisya, nagsasabing may nakitang lalaki sa lugar na kinatagpuan sa bangkay pasado 11:00 am kahapon.

Ngunit tinuturing pa lamang itong ‘circumstantial’ at patuloy ang imbestigasyon sa krimen.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *