IPINATUPAD ang one kilometer radius signal jamming sa mobile phones mula sa andas at no-fly zone sa ibabaw ng Quiapo at karatig-lugar sa Maynila kahapon.
Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga dumalo sa traslacion ng Itim na Nazareno.
Kaugnay nito, nananatili ang assesment ng Philippine National Police (PNP) na walang “clear at present danger” sa traslacion ng Itim na Nazareno.
Tiniyak ito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Oscar Alba-yalde kasabay nang paglilinaw na wala silang na-monitor hinggil sa presensiya ng terror group na Maute.
Ginawa ng opisyal ang paglilinaw makaraan sabihin kamakailan ni Interior Secretary Ismael Sueno na may intelligence reports sila na nasa Maynila Maute Group.
Binigyang-diin ni Albayalde, kailangan ma-ging alerto upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.
MALACAÑANG COMPLEX
APEKTADO RIN
NG SIGNAL JAMMING
MAGING ang buong Malacañang complex ay hindi nakalusot sa ipinatupad na signal jamming sa mobile phone networks sa paggunita ng pista ng Poong Nazareno.
May inilagay na signal jammer sa mismong andas at hanggang 1-kilometer radius ang apektadong area.
Bunsod nito, tanging hand-held radio, internet at landline telephones ang ginagamit sa komunikasyon sa loob ng Malacañang.