PATAY ang isang 17-anyos estudyante sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa kanyang bahay sa Bagong Barrio, Caloocan City kamakalawa.
Batay sa inisyal na report ng Caloocan PNP, target ng operasyon ang amain o guardian ng biktimang si Hideyoshi Kawata ngunit nakatunog kaya nakatakas.
Kinilala ang guardian ng binatilyo na si alias Buboy.
Sinundan ng mga operatiba ang target ngunit sinasabing hinarangan sila ni Kawata na may hawak na isang Uzi machine gun, kaya’t inunahan siya ng putok ng mga pulis.
Agad binawian ng buhay ang binatilyo habang nakatakas ang target gamit ang escape door sa ikalawang palapag. (ROMMEL SALES)