Saturday , November 16 2024

Bigtime drug pusher timbog sa P1.9-M shabu

KOMPISKADO ang tinatayang P1.9 milyon halaga ng shabu sa naarestong hinihinalang bigtime drug pusher sa isinagawang drug buy-bust operation sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Ang suspek na iniharap sa mga mamamahayag nina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan at Northern Police District (NPD) director, Chief Supt. Roberto Fajardo ay kinilalang si Ian Oquendo alyas Monay, 24, ng Pama Sawata, C-3 Road, Brgy. 28 ng nasabing lunsod.

Nakuha mula sa suspek ang 1600 gramo ng shabu na aabot sa P1,920,000 ang halaga, ayon sa suspek ay kaya niyang ibenta lahat sa loob lamang ng tatlong linggo.

Ayon kay Caloocan police, Sr. Supt. Johnson Almazan,  naaresto ang suspek sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (SAID-SOTG) sa pangunguna ni Insp. Cecilio Tomas Jr., sa labas ng bahay ni Oquendo.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *