BUMAGSAK o tumama ang bagyong Auring sa Siargao island sa Surigao del Norte dakong 3:00 pm kahapon.
Sa huling weather bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo malapit sa bisinidad ng Dinagat Islands.
Taglay ng bagyo ang hangin sa bilis na 55 kilometro bawat oras, pagbugsong 70 kilometers per hour, at kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis lamang na siyam kilometro.
Kaugnay nito, nakataas pa rin ang signal No. 1 sa ilang lalawigan sa bansa kabilang ang Puyo Island sa Luzon.
Sa Visayas, nakataas din ang signal No. 1 sa Bohol, Siquijor, Southern Leyte, Negros pro-vinces, Cebu, Guimaras, southern part ng Iloilo, at southern part ng Antique.
May storm warning signal din sa Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte, at Camiguin, sa bahagi ng Mindanao.
Gayonman, inabisohan ang publiko sa mga lugar na walang storm warning signal na maging alerto lalo’t makararanas ng mga pag-ulan bunsod ng bagyong Auring.
Samantala, kung hindi magbabago ang direksiyon at bilis ng bagyo, inaasahang lalabas ito ng Philippine area of responsibility sa Huwebes.
2 PAL DOMESTIC
FLIGHTS KANSELADO
DALAWANG domestic flights ng Philippine Airlines ang kanselado dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Auring.
Ayon sa Manila International Airport Authority, (MIAA) kanselado ang flights 2P 2095 Manila-Surigao at 2P 2096 Surigao-Manila. (GMG)