Saturday , November 16 2024

2 tauhan ni Kerwin timbog sa Ormoc

DALAWANG tauhan ng hinihinalang drug dealer na si Kerwin Espinosa ang naaresto sa police operations sa Ormoc City nitong Sabado ng umaga.

Ang suspek na si Brian Anthony Zaldivar alyas Tonypet ay naaresto sa bahay ng kanyang live-in partner sa Brgy. Luna dakong 7:00 am.

Makaraan ang isang oras, naaresto sa Brgy. Macabug ang isa pang suspek na si Jesus Tulin.

Ayon sa pulisya, sina Zaldivar at Tulin ay naaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Baybay, Leyte Regional Trial Court Branch 14 Judge Carlos Arguelles para sa kasong murder.

Kapwa akusado ng dalawang suspek si Espinosa.

Magugunitang si Zaldivar ay ginamit bilang testigo ni Albuera, Leyte police chief Jovie Espinido sa mga kasong inihain laban sa hinihinalang mga protektor ni Espinosa nitong nakaraang taon.

Kalaunan, binawi ni Zaldivar ang kanyang testimonya, sinabing pinuwersa lamang siya ni Espenido na pirmahan ang kanyang affidavit.

Sina Zaldivar, Tulin at Espinosa ay kinasuhan ng murder bunsod nang pagpatay sa isang nagngangalang Gregorio Velarde Sr. noong 2015.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *