SARI-SARING paputok mga ‘igan ang inasahan ng sambayanang Filipino sa pagpasok ng Bagong Taon.
Ngunit, hindi umubra ang mga ipinagbawal na paputok ng pumailanlang na ang paputok ni DU30!
Aba’y, anong klaseng paputok ito mga ‘igan, na talaga namang ikinagulantang nang lahat?
Sus ginoo…nang pumutok na mapaparusahan ang sino mang mahuhuling guma-gamit ng ipinagbabawal na paputok.
He he he… Anak ng teteng, dahil sa paputok na ‘yan ni Ka Digong aba’y wagi ang kampanya kontra–paputok! Wow!
Maging sa pagpapaputok ng baril ay nagbabala rin si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa, pumutok na. Ang sino mang pulis na lumabag sa direktiba ay papatawan ng karampatang parusa o disiplina at sibak sa kanyang posisyon.
Kaya patay kang bata ka PO1 Daniel Castillo. Take note mga ‘igan, sa pagreresolba ng mga kaso at paghuli sa mga suspek sa pagpapaputok ng baril, aba’y kung hindi agad masosolusyonan sa loob ng 24 oras, sus, sibakan blues din sa puwesto ang mangyayari, mapa-hepe man o station commander ng nasasakupang lugar.
Good ‘igan! Ganyan nga…
Ngunit, sadya nga bang takot kay Ka Digong ang namamayagpag kung kaya’t ganoon na lamang ang pag-iwas sa paputok at pagpapaputok nang salubungin ang Bagong Taon? Sadyang mahirap mga ‘igan kung takot kay DU30 ang mana-naig sa puso’t isipan ng taongbayan. Hindi ba puwedeng respeto na lamang at hindi takot ang pairalin sa pagsunod at pakikiisa sa “Iwas Paputok Campaign” sa bansa?”
Tunay namang naging agresibo mga ‘igan ang PNP sa pagpapatupad ng batas laban sa indiscriminate firing at illegal discharge of firearms, kaya naman hayo’t puring-puri ang PNP ni Hene-ral Bato Dela Rosa at pagsaludo ang hatid ni Bato Bato Balani sa kanila…
He he he…
Ang PNP, sampu ng Department of Health, at iba pang government agencies at local government units ay naging ma-tagumpay sa kanilang kampanya, upang mabawasan ang mabibiktima ng paputok nitong Bagong Taon.
Iba’t ibang klaseng paputok din ang pinaputok ng ilang Senador. Pinaputok ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto na maging “drug resistant” umano ang Filipinas ngayong 2017…Boom!
Pinaputok naman ni Senator Panfilo Lacson na sana’y umakto nang tunay na “statesman” si Ka Digong. ‘Ika nga ni Ka Filo kay DU30: “He could very well be the best president we’ve ever had, if he learns to discard some old habits of a mayor and develop some good traits of a national leader. For a start, he can “Google” how to become a real statesman.”
He he he…talaga lang ha…tingnan natin…
Ang pinakamatinding paputok ni DU30 ay pagputok na maging “Man of the Year” sa “Time Magazine” ng bansang China, na may malaking sirkulasyon, hindi lang sa China, maging sa Hong Kong, Taiwan, Singapore at Malaysia.
Boom! Boom! Boom! Hinirang si Ka Digong dahil sa tigasing paninindigan sa independent foreign policy at ang matindi pa rito, ang pagdistansiya ng Filipinas sa Amerika at ang pakikipaglapit o pakikipagkasundo naman sa China.
Boom!
Binigyang-pansin at pagpapahalaga ang magagandang programa at maayos na pangangasiwa ni Du30 sa kanyang administrasyon. At siyempre, ang pag-arangkada ng kanyang “anti-corruption campaign” ang mas lalong nagpaangat sa popularidad ng Mama sa mga Filipino.
Go go DU30 go! Suportado ka ng milyong-milyong Filipino na nagpaupo sa ‘yo sa pedestal.
Good Luck!
MANILA BAY DAY
FORUM NG DENR-NCR
AARANGKADA NA
KASABAY ng pagpasok ng Bagong Taon mga ‘igan, ang pag-arangkada ng Department of Environment and Natural Resources–National Capital Region (DENR-NCR), kasama ang Manila Bay Site Coordinating and Management Office (MBSCMO), sa pagsasagawa ng kanilang “MANILA BAY DAY FORUM” sa 6 Enero 2017, sa ganap na 1:30-5:00 pm, sa Universidad De Manila–Justice Palma Hall.
Ayon kay Assistant Regional Director Dr. Sofio B. Quintana, Ceso IV ng DENR-NCR: “This is an annual event in which we are reminded of the importance and the decision of the Supreme Court Mandamus Order to clean, rehabilitate and preserve the Manila Bay. The occasion is devoted in promoting activities in the rehabilitation of the Manila Bay and its tributaries and a time to focus public attention on critical issues affecting it.”
Inaasahan ang suporta at partisipasyon nang lahat partikular ang mga barangay ng Lungsod ng Maynila, District I – VI. Pangalagaan ang ating kalikasan, isa ito sa ating inaasahan para sa magandang kinabukasan.
Mabuhay po kayo!
E-mail Add: [email protected]
Mobile Number: 09055159740
BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani