Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mekaniko itinumba sa harap ni misis

PINAGBABARIL sa harap ng kanyang kinakasama ang isang mekaniko ng tatlong hindi nakilalang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Pasay City nitong Martes ng gabi.

Patay agad ang biktimang si Antonio Perez, 33, ng Canoy St., Brgy. 132, Zone 13, ng lungsod.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Giovanni Arcinue, dakong 10:30 pm nang mangyari ang insidente.

Ayon sa pahayag ng kinakasama ng biktima na si Ma. Luz Aguilar, nasa loob sila ng bahay nang biglang pumasok ang mga suspek at pinagbabaril si Perez.

Ayon kay Aguilar, may mga reklamo sa kanilang barangay laban sa kanyang mister dahil sa akusasyong pineperahan ng biktima ang mga may-ari ng sasakyan na ipinagagawa sa kanya.

Inakusahan din ang biktima nang pagkuha sa spare parts ng mga sasakyang ipinakukumpuni sa kanya.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …