Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapabayaan sa Bicol tinatakpan ni Leni — Palasyo (Sinalanta ng bagyong Nina)

GINAGAMIT ni Vice President Leni Robredo na ‘kumot’ ang pagbatikos sa administrasyong Duterte sa relief operations sa mga sinalanta ng bagyong Nina upang pagtakpan ang pagpapabaya niya sa mga kababayan sa Bicol na biktima ng kalamidad habang siya’y nagbabakasyon sa Amerika.

Ito ang sinabi ng political observer makaraan pintasan ni Robredo ang relief operations ng gobyerno na mabagal.

Aniya, abala ang kampo ni Robredo sa ‘damage control’ makaraang umani ng batikos ang bise presidente na nagpapasarap sa US habang binabayo ng bagyong Nina ang kanyang mga kababayan.

Habang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, pinalutang ni Robredo ang karakter ng isang politiko na kinakalakal ang kalamidad para sa pansariling interes.

Ani Abella, mas mabuti sana na pinahalagahan ni Robredo ang mga ginawa ng disaster officials, social workers at volunteers na nasa Ground Zero bago manalasa si Nina.

“The remark Ms. Robredo made saying that the relief operations were “slow” suggests a cynical political mindset willing to capitalize on disaster. One wished she displayed more appreciation of the work of our disaster officials, our social workers, and other volunteers who were on Ground Zero even before Nina made a landfall,” ani Abella.

Inilitanya  ni Abella ang magkatuwang na hakbang ng national at local government upang ayudahan ang mga biktima at lugar na sinalanta ng bagyong Nina.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …