Saturday , November 16 2024
prison

6 pugante, jail guard patay 158 preso nakapuga (Cotabato jail inatake ng MILF)

KAGAGAWAN ng Moro Islamic Liberation Front ang nangyaring pag-atake sa Cotabato District Jail na ikinamatay ng isang jail guard at dahilan para makatakas ang 158 bilanggo.

Ayon kay Cotabato Jailwarden Supt. Peter John Bonggat, ang MILF ang siyang may pakana nang pang-aatake dakong 1:15 am kahapon.

Umabot aniya sa da-lawang oras ang kanilang palitan ng mga putok sa aniya’y mahigigit 100 armadong kalalakihan na sumalakay sa kulungan.

Nagsilbing oportunidad ang insidenteng ito upang makatakas ang 158 bilanggo kabilang na ang alalay ng lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na si Ameril Umbra Kato.

Kaugnay nito, namatay ang anim pugante mula sa North Cotabato District Jail na inatake ng armadong kalalakihan nitong madaling-araw ng Miyerkoles, habang walo sa 158 tumakas na preso ang muling nadakip, ayon sa ulat ni NCDJ officer-in-charge Supt. Peter Bongat.

“Three alive, six dead and counting,” ayon kay Bongat sa naunang text message sa mga reporter.

Gayonman, hindi pa matiyak kung ang anim ay napatay sa pag-atake o habang tinutugis.

Sa kabilang dako, si-nabi ni Senior Inspector Xavier Solda,  Bureau of Jail Management and Penology spokesperson, 14 sa tumakas na preso ay accounted na.

Sa nasabing bilang, anim ang patay, dalawa ang sumuko sa alkalde, habang anim ang muling naaresto.

PALASYO NANAWAGAN
PUBLIKO MAGING PAYAPA
AT KALMADO

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na manatiling kalmado at huwag magpasulsol sa mga maling balita hinggil sa pagtakas ng 158 bilanggo sa North Cotabato District Jail (NCDJ) kahapon.

Tiniyak ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi nilulubayan ng mga awtoridad ang im-bestigasyon at operasyon para maibalik sa kulu-ngan ang mga puganteng preso.

Nasa heightened alert aniya ang Bureau of Jail Management and Peno-logy (BJMP) Region 12 .

“The PNP and the AFP are working closely to capture the escapees. Hence, we appeal for calm and sobriety.We assure our people that manhunt operations on the escapees are now underway as BJMP units in Region 12 and nearby pro-vinces are on heightened alert.,” ani Abella.

Ayon kay Abella, hindi pa tukoy ang armadong grupo na responsable sa jailbreak bagama’t may ulat na ang pangkat ay pinamumunuan ng isang Commander Derbi ng breakway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Nilinaw ni Abella, itinanggi ni General Alamanzor, chief of staff ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF, na may kasapi silang nagngangalang Commander Derbi.

“No specific information as to the identity of the armed group has been revealed, though speculation is rife. Some sources claim the group was headed by a certain Commander Derbi; however, General Alamanzor, chief of staff of the BangsaMoro Islamic Armed Forces of the MILF, denied that they have any member bearing that name,” aniya.

Batay sa huling ulat, anim pugante ang na-patay habang walo ang nadakip at naibalik sa bilangguan.

Nabatid na dakong ala-una ng madaling araw kahapon nang umatake sa bilangguan ang 100 kalalakihan na nakasuot ng black suits at armado ng matataas na kalibre ng armas at tinangay ang mga preso na karamiha’y miyembro ng 105th Command ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na ang iba’y akusado sa mga kasong murder at drug trafficking.

Dalawang oras na nagbakbakbakan ang tropa ng BJMP, pulisya at militar bago nakatakas ang mga salarin tangay ang 158 preso.

Sinabi ni Felix Capalla, isa sa mga pinuno ng mga preso sa NCDJ, bago naganap ang pag-atake ay inimpormahan na ang officer-in-charge ng bilangguan na si Supt. Peter Bongat hinggil sa pla-no nang pag-rescue sa mga miyembro ng BIFF.

Napuna ni Capalla na nagdagdag ng tropa si Bongat sa NCDJ mula 31 ng Disyembre hanggang 1 ng Enero ngunit ibinalik na sa normal na bilang ang jail personnel.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *