Wednesday , May 14 2025

Simbahan pera-pera lang — Digong

BINATIKOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang simbahang Katoliko na magaling sa pangongolekta ng pera ngunit walang ginagawa upang tumulong sa gobyerno na puksain ang P216-bilyon kada taon industriya ng illegal drugs sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Christmas party ng barangay officials sa Davao City kamakalawa ng gabi, nagbabala ang Pangulo hinggil sa paniniwala sa relihiyon, na ang tinutukoy ay simbahang Katolika  na kritiko nang lumolobong bilang ng patayan bunsod ng drug war.

Gaya aniya ng Amerika, ipokrito ang Simbahan at hindi nababahala sa apat milyong Filipino na alipin ng drug lords na kanilang mga tagasunod.

“Look at them, they just keep on shouting, they are not doing anything. The church did not even give a single… The people have a lot of contribution, they keep on praying but the graces never came. Do not believe in religion. Do not believe. They are only good in collecting (money),” aniya.

“There is God but be careful about religion. They are just after the money…the hypocrisy of it. They are just like America. Let me spell out to all, we estimate in government that the (number of) drug addicts has reached four million. These four million addicts, if religious (critics and) America are listening, they are already slaves of people who sell drugs,” aniya.

Matatandaan, noong taon 2000, inamin ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin, tumanggap ng dirty money ang mga taong simbahan mula sa mga magnanakaw at kriminal bilang “restitution” o kabayaran dahil hindi na nila maibalik ang ninakaw na pera sa tunay na may-ari.

“Restitution is an accepted moral practice. It is in this spirit that we accept donations from everybody without questions. The evil that the sinners have done remains to be objectively wrong,” ani Sin.

Inihalimbawa ni Sin ang tugon ni Mother Teresa nang tanungin kung tumatanggap siya ng donasyon mula sa Mafia na ang sabi ay “It is not the practice of the church to ask donors where their donations come from. Our duty is to make sure that all donations go to the poorest of the poor.”

Noong nakalipas na Setyembre, inatake ni Pangulong Duterte ang paggamit ng simbahang Katolika sa moralidad para hindi na maibalik ang death penalty sa bansa.

Kinuwestiyon ng Pangulo ang ipinangalandakan ng Simbahan na tanging ang Diyos lang ang may karapatan na tapusin ang buhay ng isang nilalang.

Giit niya, bagama’t naniniwala siya sa Diyos, ang malaking katanungan lang sa kanya ay bakit pinayagan ng Dakilang Manlilikha na maganap ang mga karumal-dumal na krimen sa mundo.

Kaya gusto niyang ibalik ang parusang bitay dahil ang mga Filipino ay hindi na naniniwala sa batas at wala nang kinatatakutan.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *