Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

1 patay, 10 sugatan sa trike vs truck

PATAY ang isang 16-anyos binatilyo habang siyam ang sugatan nang magbanggaan ang isang tricycle na sinasakyan ng mga biktima at isang Isuzu tanker truck sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang  si Justine Vincent Del Rosario, ng 34 Filrizam St., Brgy.Canumay West ng lungsod, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan.

Habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center ang mga sugatan na sina Gerald De Jesus, 23; Gessele De Jesus, 15; Apple Faye, 15; Angelito Quinto Sangtiago, 14; Gian Charles Gasparin, 15; Angela Del Rosario, 15; Rhealyn Nacor, 15; Ma. Angel Narsoles, 12; at Rojan Karlo Encinas, 15, pawang ng Canumay West.

Sa imbestigasyon nina PO3 Waren Andres at SPO2 Chandru Nabio, dakong 8:45 pm minamaneho ni Melvin Asitre, 18, ng 36 Filrizam Sudb., Canumay West, ang tricycle (kolong-kolong) at binabagtas ang kahabaan ng T. Sangtiago St.,  Brgy. Lingunan sakay ang sampung biktima.

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Anthony Santos, nag-overtake si Asitre sa iba pang mga sasakyan kaya nakabanggaan ang Isuzu tanker truck (TJU-497) na minamaneho ni Rolando Rosales, 51, ng B-40, L-18, Phase 3, Dagat-Dagatan, Malabon City, binabagtas ang kabilang linya ng kalsada.

Sumuko sa mga pulis ang driver ng tanker truck gayondin ang driver ng tricycle makaraan ang insidente.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …