Saturday , November 16 2024

Duterte inip na sa death penalty (Sa droga at korupsiyon)

122816_front
NAIINIP na si Pangulong Rodrigo Duterte na maisabatas ang death penalty kaya gusto na lang niyang ‘pagbabarilin’ ang mga nahuli sa shabu laboratory sa San Juan City at isakay at ihulog sa chopper ang magnanakaw sa calamity funds.

Sa kanyang talumpati kahapon makaraan mamahagi ng relief goods sa kapitolyo ng Camarines Sur para sa mga biktima ng bagyong Nina, sinabi ng Pangulo, dapat magpasalamat ang sampung suspek na nadakip sa shabu laboratory sa isang apartment San Juan City, dahil wala siya Maynila.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nakompiska sa nasabing operasyon ang P6-bilyon halaga ng shabu.

“E ‘yang mga drug lord sa isang warehouse, isang bahay puno ng droga, e di saan ‘yan pupunta? E ‘yung mga anak ninyo Filipino, anong gawin? Gawin nilang alipin, alipin nila para magkapera sila. Ngayon, magne-negosyo na rin ng kanya ‘yon, maghahanap ng biktima para sa kanya. So he has to sell to survive. So what happens to the country? It goes to the dogs. Huwag sa panahon…Huwag na…Kasi que se joda kung anong ibigay ng Diyos sa akin ngayon, hindi ako hihingi ng tulong basta kami magtrabaho,” aniya.

Nagbanta rin si Pangulong Duterte na ihuhulog sa dagat mula sa chopper ang sino mang mababalitaan niya na magnanakaw sa P50 milyon calamity funds na inilaan niya sa rehiyon ng Bicol.

Susunduin niya mismo gamit ang chopper para dalhin sa Maynila ang sino mang magnanakaw sa calamity funds at saka ilalaglag sa ere.

Nagawa na raw niya ito noon at hindi na magdadalawang-isip na gawin muli laban sa mga tiwali sa pamahalaan.

Ngunit inilinaw ng Pangulo, ganoon lang talaga siyang magsalita ngunit seryoso sa paglaban sa katiwalian, korupsiyon, at kriminalidad.

Naniniwala ang Palasyo na sa pagtutok ng administrasyon sa kampanya kontra-droga ay natuklasan kung gaano kalalim at kalawak ang impluwensiya ng drug syndicate sa gobyerno na umabot na sa halos 5,000 opisyal at kawani ng pamahalaan ang sangkot kaya umiiral na ang narco-politics sa bansa.

Pruweba ito na mas epektibo ang administrasyong Duterte sa gobyernong Aquino sa paglaban sa illegal drugs.

“And so this is not a question of saying that this administration is better. It simply is the fact that it seems to be more effective along these lines than what has happened previously,” sabi ng Pangulo.

 (ROSE NOVENARIO)

3 CHINESE, 7 PINOY SA P6-B
SHABU SINAMPAHAN NG KASO

ISA-ISANG sinusuri nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre at National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran ang mga supot at pakete ng nakuhang 890 kilong shabu sa isinagawang raid ng mga operatiba ng NBI Task Force Anti Illegal Drugs (TFAID) sa 120B Wilson St., San Juan City at sa 309 Mangga St., Little Baguio, San Juan City. (BONG SON)

KINASUHAN na sa Department of Justice (DoJ) ang tatlong Chinese at pitong Filipino na naaresto sa tatlong magkasunod na drug operations sa San Juan City nitong nakaraang linggo.

Ang tatlong Chinese nationals na sina Shi Gui Xiong, Che Wen De, at Wu Li Yong, at mga Filipino na sina Abdullah Mahmod Jahmal, Salim Cocodao Arafat, Basher Tawaki Jamal at apat iba pa ay kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Armado ng search warrant, ang National Bureau of Investigation, kasama ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police, ay nagsagawa ng operasyon noong Disyembre 23 sa isang bahay sa Mangga Street sa Brgy. Little Baguio, kasunod ng isa pang operasyon sa 24 A. Bonifacio Street at interdiction operation Sa Missouri Street kanto ng Annapolis Street, pawang sa lungsod ng San Juan City.

Iprinisenta sa media ang 890 kilo ng high grade shabu na narekober ng NBI sa tatlong magkakahiwalay na raid sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, tinatayang aabot ng P6 bilyon ang halaga ng nakompiskang shabu, itinuturing na pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa.

Habang ipinaliwanag ni Atty. Roel Bolivar, commander ng NBI-Task Force Against Illegal Drugs, binansagan nila ang grupo sa likod ng malaking operasyon ng droga bilang “Red Dragon” dahil may markang red dragon ang mga plastic ng shabu na nakompiska.

Inaalam na ng NBI kung sino-sino ang posibleng mga protektor ng sindikato.

(LEONAD BASILIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *