Saturday , November 16 2024

AMLC executives resign (Corrupt officials) — Digong

122316_front

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa matataas na opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na magbitiw sa kanilang puwesto dahil lahat sila’y corrupt at hindi nakikipagtulungan sa administrasyon sa pagtugis sa sangkot sa money laundering gaya ng drug lords at si Sec. Leila de Lima.

Ang liderato ng AMLC ay binubuo nina executive director Julia BacayAbad, deputy director Vincent Salido at chief investigator na dati nang inireklamo ni Aguirre, kabilang sa Lambda Rho Beta fraternity na counterpart ng sorority group na kinabibilangan ni De Lima na Lambda Rho Sigma.

Ituturing ng Pangulo na drug addict ang tatlong opisyal ng AMLC kapag hindi nagbitiw sa puwesto bunsod nang kabiguan na magsumite ng assessment report ng paper trail sa pinaniniwalaang drug money ni De Lima.

“We have now the money laundering report. But I am warning again Central Bank for the second time. It was not until I burdened at them during the NBI, National Bureau of Investigation anniversary and I was there. And I was told by the director na hanggang ngayon, there’s no report of this AMLA. You know, I’m going to charge all of you there, cri-minally. I’ll count one to three, and if you don’t resign, I will treat you as a drug addict,” aniya.

“But you know, you guys they’re all corrupt, bantay kayo sa akin  I will bring you down. Tetangco is about to retire, better prepare there ‘cause I’ll give you a whack. You are all, you are all corrupt and serving master. You are not supposed to engage in politics. Goddamnit,” dagdag niya.

Sa anibersaryo ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan, binalaan ng Pangulo ang AMLC at ang Central Bank na iwasan ang komprontasyon sa kanyang administrasyon at makipagtulungan sa kanyang anti-illegal drugs campaign upang mabusisi ang bank records ng mga hinihinalang sangkot sa illegal drugs trade.

“I’d like to address myself to the Central Bank guys and the AMLA. Alam mo, I’d like to warn you, to avoid a confrontation between us, Central Bank people,” aniya.

Duda ng Pangulo, may pinagtatakpan ang mga nasabing ahensiya na personalidad na talagang sabit sa money laundering activities.

Binantaan ng Pangulo ang mga opisyal ng AMLC na huwag pahirapan si Justice Secretary Vitaliano Aguire sa pag-iimbestiga sa launderered money ng drug personalities dahil siya mismo ang magpupunta sa kanila para usisain ang kanilang mga motibo at posibleng mahirapan sila na ipaliwanag ito sa publiko.

ni ROSE NOVENARIO

Sa illegal online gambling
P300-B NAWAWALA
 SA KABAN NG BAYAN
 — DUTERTE

UMAABOT sa P300 bilyon ang nawawala sa kaban ng bayan kada taon dahil sa mga alingasngas sa operasyon sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), partikular sa online gambling.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati nang pirmahan ang P3.35 trilyon national budget para sa 2017 sa Palasyo kahapon, kaya inatasan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na pangunahan ang imbestigasyon sa anomalya sa CEZA.

Ayon sa Pangulo, isang opisyal ng CEZA ang kumikita nang hanggang P300 bilyon dahil sa pagbebenta ng master license at sublicense sa online gambling.

“‘Yung mapunta lang diyan sa ma-appoint na CEZA, ‘yung CEZA, he gets about 300 billion selling the umbrella type of license na he can do all the — kaya ako, mabuti na lang nalaman ko ‘yan,” ayon sa Pangulo.

Giit ng Pangulo, nagiging palaruan ng katiwalian ang online gambling bunsod ng kawalan ng mekanismo ng gobyerno.

‘Yung online sa Filipinas, pero ‘yung betting outside, wala tayong mechanism and, corruption alone, not government, wala, wala sa gobyerno ‘yan,” aniya.

Sa chance interview sa Palasyo, sinabi ni Aguirre, binabalangkas na ni Executive Secretary Salavador Medialdea at Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang sakop ng kanyang kapangyarihan para imbestigahan ang online gambling.

“I was given a marching order to investigate the… CEZA and online gambling. So it will await the results of my investigation… my investigation. I have talked with ES Medialdea and Bong SAP they are now drafting the scope of my authority to investigate on online gambling,” ani Aguirre.

Nauna nang inihayag ng Justice Seccretary, nabuko niyang sindikato sa CEZA at Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang nagpapakana na patalsikin siya sa puwesto gamit ang Jack Lam bribery scandal.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *