Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stab saksak dead

Lending supervisor utas sa 14-anyos bayaw

PATAY ang isang lending supervisor makaraan pagsasaksakin ng 14-anyos bayaw nang pagalitan at batukan ng biktima ang binatilyo dahil naingayan sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela  Medical Center  ang biktimang si Marlon Landicho, 30, residente ng 902 A. De Castro St., Brgy. Malinta ng nasabing bayan.

Habang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na itinago sa pangalang Buchoy, 14, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Ronald Bautista, dakong 10:30 pm, nagkukuwentuhan ang binatilyo at ang kanyang mga kaibigan sa A. De Castro St., nang lumapit si Landicho kasama ang ilang katao at pinagsabihan ang suspek na huwag maingay sabay batok sa ulo ng binatilyo.

Bunsod nito, bumunot ng icepick ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima bago mabilis na tumakas.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …