Saturday , November 16 2024

De Lima kinasuhan ng obstruction of justice ng DoJ

SINAMPAHAN na ng kaso ng Department of Justice (DoJ) si Senator Leila de Lima sa Metropolitan Trial Court (MTC) National Capital Judicial Region sa Quezon City.

Reklamong paglabag sa Article 150 ng Revised Penal Code na tumutukoy sa pagsuway o hindi pagsunod sa patawag ng Kongreso, ang isinampa sa MTC sa Quezon City ni Assistant State Prosecutor Vilma Lopez-Sarmiento laban kay de Lima.

Nakasaad sa reklamo, noong 28 ng Setyembre, 2016, nag-isyu ang House Committee on Justice ng House of Representatives ng subpoena kay Ronnie Dayan, ang driver-bodyguard at lover ni Sen. De Lima.

Ngunit sa nabunyag na palitan ng text message nina De Lima at ng anak ni Dayan na si Hannah Mae, nabatid na ipinasabi ng senadora na magtago at huwag sumipot sa pagdinig ang kanyang dating driver dahil pagpipiyestahan lamang sila.

Ang paglabag sa nasabing probisyon ng Revised Penal Code ay may katapat na parusang multa o di kaya’y pagkabilanggo na hanggang anim buwan.

Ang paghahain ng reklamo kay De Lima ay resulta ng complaint na isinampa nina Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fariñas at House Committee on Justice chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali sa DoJ noong nakaraang linggo.

KASO NG DOJ
INISMOL NI LEILA

HIHINTAYIN ng kampo ni Sen. Leila de Lima ang kopya ng reklamong inihain ng Department of Justice (DoJ) sa Quezon City Metropolitan Trial Court (MTC).

Una rito, sinabi ng senadora, walang matinong basehan ang kaso at sa paniwala niya ay pinilit lamang ito upang siya ay lalong gipitin.

Gayonman, sinabi ng senadora, sasagutin niya ang kahit anong complaint sa proper forum at tamang pagkakataon.

Sakaling hilingin
POLITICAL ASYLUM
KAY DE LIMA
MALABO — SOLON

DAPAT harapin ni Sen. Leila de Lima ang mga reklamo at kaso na kanyang kinakaharap.

Pahayag ito ni Deputy Speaker at Capiz Rep. Fredenil Castro kaugnay sa pagbalik ng bansa ng senadora kamakalawa ng gabi.

Iginiit ni Castro, hindi siya kabilang sa ilang mga kritiko ng senadora na tutol sa pag-alis niya dahil sa pangambang hindi na bumalik pa sa bansa bunsod ng isyung kinasasangkutan hinggil sa ilegal na droga.

Ito ay dahil nangangamba ang ilang kritiko ng senadora na baka takbuhan niya ang mga reklamong kinakaharap sa pamamagitan ng paghingi ng political asylum sa ibang bansa.

Ngunit ayon kay Castro, sakaling hilingin ito ng senadora, batay sa batas, wala itong basehan.

Paliwanag ng kongresista, kasalukuyang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon laban sa senadora dahil sa sinasabing pagkakasangkot niya sa illegal drug trade.

Bukod dito, may mga basehan ang mga reklamo at kasong kinakaharap ng senadora.

Kaya ang pinakamagandang hakbang lamang aniyang dapat gawin ni De Lima ay harapin ang mga reklamo at kasong kinasasangkutan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *