Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

4 patay, 1 kritikal sa pamamaril

PATAY ang apat katao na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga at krimen habang isa ang kritikal sa magkakahiwalay na pamamaril sa mga siyudad Taguig, Paranaque, Muntinlupa at Pasay nitong Martes ng gabi.

Kabilang sa mga napatay sina Jano Alfredo, ng Block 90, Purok 6, Brgy. Upper Bicutan, Taguig City, at Harwin Padasas, 38, ng Block 142, San Diego St., Purok 2, Brgy.  Central Bicutan ng lungsod, kapwa nasa drug watchlist ng pulisya.

Dakong 9:30 pm pinagbabaril si Alfredo ng hindi nakilalang mga suspek sa Veterans Road, Brgy. Western Bicutan, habang itinumba si Padasas sa Cadena de Amor Extension, Brgy. Wawa, Taguig City bandang 3:00 am.

Malubhang nasugatan si Crisanto Bustamante, 40, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Sto. Niño St., Brgy. Sto. Niño, Parañaque City dakong 7:30 pm.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong 4:00 am natagpuan ang bangkay ng hindi kilalang lalaki sa C-5  Road Extension, Kalayaan Road, Brgy. 201 ng lungsod makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang suspek.

Habang si Edward Andaya ng Brgy. Bayanan sa Muntinlupa City, ay natagpuang walang buhay habang nakagapos sa bakanteng lote sa Bukang Liwayway, Camp Sampaguita, NBP Reservation, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod dakong 2:30 pm. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …