INILINAW ng Malacañang kahapon, tanging tuition o matrikula lang ang libre sa state universities at state colleges sa susunod na taon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, babayaran pa rin ang miscellaneous fees ng mga estudyante sa kanilang pag-enrol sa mga paaralang pampubliko.
Ayon kay Abella, ang mahigit P8.3 bilyon alokasyon o dagdag sa budget ng Commission on Higher Education (CHED) ay para lang sa matrikula.
Ipatutupad aniya ang libreng tuition sa state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa sa school year 2017.
“The appropriation will cover the tuition of over 1.4 million students of 114 SUCs in the country and students will, however, still have to pay miscellaneous and other fees,” ani Abella.