Saturday , November 16 2024
nbp bilibid

Preso pumuga sa Bilibid

MASUSING iniimbestigahan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagtakas  ng isang preso mula sa minimum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang nakapugang preso na si Nolan Cano y Navarro, 41, ng Casoy St., Verdant Acres Subdivision, Brgy. Pamplona 3, Las Piñas City.

Sentensiyado si Cano ng 10-17 taon pagkabilanggo ng Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Branch 27 kaugnay sa kasong homicide noong 2 Disyembre 2008.

Sa ulat ni BuCor Director Benjamin Delos Santos, nakatakas si Cano sa kanyang selda sa minimum security compound ng NBP nitong Lunes ng madaling araw.

Patuloy na inaalam kung sino ang kasabwat na prison guard kaya nakatakas si Cano lalo’t mahigpit ang seguridad na ipinatutupad sa NBP.

Nakatakda sanang lumaya ngayong Disyembre si Cano dahil napagsilbihan na niya ang parusang hatol sa kanya sa kasong ‘di sinasadyang pagpatay.

Nakahanda na ang paglipat kay Cano sa Muntinlupa City Jail bunsod ng isa pang kasong hindi binanggit na marahil ay isa sa dahilan ng kanyang pagtakas sa NBP. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *