IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi pa napapanahon ngayon para ilaban sa China ang arbitral ruling sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi, mas mabuting magkaroon na lang muna ng joint oil exploration sa pinagtatalunang karagatan at paghatian ang kikitain.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya maghahanap ng away dahil walang kalaban-laban ang militar ng Filipinas sa puwersa ng China.
Ngunit hindi aniya nangangahulugang bibitiwan na ng Filipinas ang claim sa West Philippine Sea dahil maging ang Chinese ambassador ay alam na darating ang araw na igigiit niya ito sang-ayon sa ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA).
“Iyong oil. Tayo may arbitral. Gusto nila i-push talaga na ano. Bakit ba ako maghanap ng away? If I send the Marines there, they will be wiped out and in just one minute. It will be a disaster. We have no might. So at this time, there will be a day. Sinabi ko kay Xi Jinping that we will have to take this up but not now because I am here as a visitor and ‘yung sabi ko, I cannot talk about it kasi lalabas na tayo, bisita lang ako dito sa inyo. But I will bring this up. And alam nila, pati ang ambassador dito, ‘yung Chinese na I will bring this up someday but it will be during my time that I have this arbitral award so I have to push it. Kung gusto ninyo, well, let’s just develop what’s the oil there, hati-hati na lang tayo. Anhin ko man ‘yang dagat kung walang…What will I do with Scarborough Shoal, swim there everyday? For what? To send my soldiers there to die? Doon nakalutang lahat, susmaryosep,” ani Pangulong Duterte.