PATAY ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis habang tatlo ang naaresto sa Oplan Galugad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni S/Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City Police, ang isa sa mga namatay na si Michael Fronda, 26, fish vendor, taga-Ignacio Compound, Lupang Pangako, Brgy. 162, Sta. Quiteria habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng da-lawa pang namatay sa o-perasyon ng pulisya.
Ayon kay Almazan, dakong 6:20 pm, nagpatupad ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-7, sa pangunguna ni Sr. Insp. Amor Cerillo, dahil sa ulat na talamak na illegal drug trade sa Ignacio Compound, Lupang Pangako, Brgy. 162 sa Sta. Quiteria.
Lumaban sa mga awtoridad ang mga suspek, na nagresulta sa kanilang pagkamatay.
Naaresto ang iba pang mga suspek na sina Geraldin Cabanatan, 28; Richard Naron, 21, at McJerald Abelardo, 22, pawang residente sa nasabing lugar.
(ROMMEL SALES)