Monday , April 28 2025

‘Wag mabahala sa EJKs — Palasyo

PINAWI ng Malacañang ang pangamba ng mga Filipino sa nagaganap na extrajudicial killings o summary execution kasunod ng anti-drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Reaksiyon ito ng Malacañang sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey sa last quarter ng taon na 78 porsiyento ng mga Filipino ay nangangamba sa kanilang seguridad sa gitna ng extrajudicial killings sa bansa.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, kinikilala ng Malacañang ang pangamba ng sambayanang Filipino hinggil sa kanilang kaligtasan sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Andanar, ang anti-illegal drug campaign ng pamahalaan ay hindi nakasentro sa mga inosenteng mamamayan.

Inihayag ni Andanar, hindi polisiya ng estado ang pagsasagawa ng extrajudicial killings dahil ito ay labag sa batas.

Niliwanag ni Andanar, ang mga napapatay na kriminal na sangkot sa ilegal na droga ay kagagawan ng common criminals at ibinibintang lamang sa mga operatiba ng pamahalaan.

Tiniyak ni Andanar, pinananagot ng gobyerno ang mga pulis na lumalabag sa operational procedure laban sa illegal drugs suspects.

Idinagdag ni Andanar, sa kaparehong survey ng SWS ay napanatili ni Pangulong Duterte ang mataas na tiwala ng publiko sa kanyang anti-illegal drugs campaign makaraan makakuha ng 85 porsiyentong satisfaction rating.

Samantala, umakyat na sa mahigit 2,000 ang bilang ng mga napapatay sa Oplan Double Barrel ng Philippine National Police (PNP) simula noong 1 Hulyo hanggang 12 Disyembre.

Sa report inilabas ng PNP, nasa 2,086 drug suspects ang napapatay makaraan lumaban sa isinagawang 38,681 illegal drugs operation sa buong bansa.

Hindi pa kasama rito ang  mga biktima ng summary executions o death under investigation.

About hataw tabloid

Check Also

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *