NALUNOD ang isang sanggol na babae makaraan mahulog mula sa duyan sa ilalim ng isang tulay sa Davao City kamakalawa.
Ayon kay Nida Ombus, ina ng isang-taon gulang sanggol, mahimbing siyang natutulog kasama ang anak sa ilalim ng Baluaong Bridge nang mangyari ang insidente.
Dumiretso sa sapa ang sanggol at nalunod.
Mamamasko sana ang pamilya sa lokal na pamahalaan kaya pansamantala silang nanirahan sa ilalim ng tulay.
Imbes pamasko, tulong sa pagpapalibing na lang ang hiling ngayon ng pamilya ng sanggol.