Monday , December 23 2024

Rekomendasyon ng solons: Medical exam kay Duterte (Biro ng pangulo sa health issue sensitibo — Law expert)

INIREKOMENDA ng ilang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na sumalilalim sa medical examination at ispubliko ang ano mang magiging resulta nito.

Ito ay makaraan aminin ni Pangulong Duterte na gumagamit siya ng matinding uri ng painkiller dahil sa pananakit na kanyang nararamdaman.

Magugunitang kamakailan, isinapubliko ng Pangulo na dati siyang umiinom ng gamot na kadalasang inirereseta sa mga may sakit na cancer.

Ngunit kasunod nito, ang paglilinaw ni Pangulong Duterte na pinatigil na siya ng kanyang doktor na gumamit ng naturang gamot dahil sa abuso na ang paggamit nito.

Dahil dito, iminungkahi ni Bayan Mun Rep. Carlos Isagani Zarate na dapat sumailalim sa medical examination si Pangulong Duterte.

Aniya, sa pamamagitan ng naturang hakbang ay malilinawan ang mga kumakalat na espekulasyon hinggil sa kondisyon ng kalusugan ng chief executive.

BIRO NG PANGULO
SA HEALTH ISSUE
SENSITIBO
— LAW EXPERT

NABABAHALA si San Beda graduate of law, Dean Fr. Ranhilio Aquino sa pabago-bagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, hinggil sa sensitibong mga usapin.

Pinakabago rito ang tungkol sa kalusugan, sinabi niya noong isang linggo, mayroon siyang mga dinaramdam sa katawan at posibleng hindi na matapos ang anim taon na termino.

Ngunit kamakalawa lamang, sinabi niyang niloloko lang niya ang media, ngunit pinaniwalaan aniya agad ang kanyang mga sinabi.

Para kay Aquino, mahirap na ngayong malaman kung alin ang seryoso at alin ang mga biro.

May implikasyon aniya ito sa mga polisiya ng gobyerno dahil maging ang mga magpapatupad at ibang stakeholders sa mga patakaran ay naghihintay na lang palagi kung babawiin ng pangulo ang kanyang sinabi o kung ito ay totoong paiiralin.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *