Saturday , November 16 2024

Pagbuwag sa VFA warning lang ni Digong — Palasyo

INILINAW ng Malacañang, babala pa lamang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ipapawalang-bisa ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos.

Sinabi ni Communications Assistant Sec. Anna Marie Banaag, dapat munang mapag-u-sapan ng Pangulong Duterte at ng kanyang advisers ang usapin sa VFA.

Ayon kay Banaag, mas maiging hintayin na lang ang susunod na hakbang ng Presidente at prosesong susundin.

Magugunitang noong nakaraang linggo, nagpahayag ang Millennium Challenge Corporation (MCC) ng US na ipagpapaliban muna ang multi-million dollar development grant sa Filipinas dahil sa human rights concerns.

Ito na ang naging ugat ng pahayag ni Pangulong Duterte na kanyang ipaa-abrogate ang VFA at dapat lumayas sa Filipinas ang mga sundalong Amerikano.

“We will wait kung anong next… It was a warning. It wasn’t something na… It wasn’t really something na the President said na he will revoke,” ani Banaag.

“So we will wait pa for the next move of the President and, of course, the advisers kung… kung anong sasabihin nila tungkol dito because, of course, with the pronouncements tungkol doon sa Millennium… Iyong pag… Pag-tag no’ng Amerika doon sa Millennium Corporate Challenge…”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *