LEGAZPI CITY – Nasa pangangalaga na ng mga awtoridad ang 18 bricks ng cocaine makaraan narekober sa karagatan na Brgy. Sogod, Tiwi, Albay.
Tinatayang aabot sa P90 milyon ang halaga ng cocaine, na milyon ang halaga ng bawat brick na umabot sa 18, ayon sa PDEA.
Nalambat ito ng dalawang mangingisda sa karagatan ng nasabing lalawigan.
Ayon kay Bicol police regional director, C/Supt. Melvin Ramon Buenafe, ito ang unang pagkakataon na may nakuhang cocaine sa lalawigan.
Naniniwala ang opisyal na posibleng matagal na itong itinatago base sa itsura nito.
Posibleng itinapon aniya sa karagatan ang kontrabando dahil sa pangamba sa mahigpit na kampanya ng PNP Bicol laban sa ilegal na droga.