NAKIKIUSAP si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kalaban ng estado, kabilang ang mga teroristang Abu Sayyaf, na isantabi muna ang pakikipaglaban ngayong holiday season.
Sinabi ni Pangulong Duterte, hangad niyang magkaroon nang mapayapang selebrasyon ng Pasko at saka na lang ituloy ang labanan pagkatapos.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakahanda siyang manlibre ng dinner sa mga Abu Sayyaf sakaling mapadaan sa Davao City.
Tawagan lang daw nila ang kanyang manugang na si Lovely “Santullah” sa Jolo para maayos ang kanilang salo-salo.
“It comes too early too soon. I was preparing a good speech but since you asked for it, I’d like to greet everybody, lahat na, to the Filipino people, the law-abiding, and of course, if they find it in their hearts though this is not really something for the Moro but you know that this kind of events are closest to the hearts of the Christians. Na we can have a peaceful Christmas. I hope that you would just send Abu Sayyaf, just take a vacation and if you happen to pass by Davao, let me know and I will treat you to a dinner. Totoo. Tawagin mo lang ‘yung daughter in-law ko si…may daughter ako (r)iyan taga-Jolo ang daugther in-law ko si Lovely “Santullah”…she is a “Santullah” sa Jolo. So, just tell them na may isang branch ako sa pamilya ko rin na puro Moro. Na kasi Lovely is a mestiza Maranaw-Tausug. Nakikiusap ako sa lahat na if we can have a peaceful Christmas. Maybe we can resume fighting some other day. I’d like to greet everybody, the communists, the Abu Sayyaf, in behalf of the, sa taong Filipino, Merry Christmas and a prosperous New Year for all,” ani Pangulong Duterte.