TINAWAG na ipokrito ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa ang mga hindi nasisiyahan sa kampanya kontra droga ng gobyerno.
Reaksiyon ito ni Dela Rosa makaraan ilabas ng SWS ang survey na nagsa-sabing 85 porsiyento ng kanilang mga tinanong ay kontento sa anti-drug campaign ng PNP habang walong porsiyento ang mga hindi natutuwa at pitong porsiyento ang “undecided.”
Ayon sa PNP chief, nakikinabang din sa resulta ng kampanya kontra droga ang mga hindi kontento sa trabaho ng pulisya dahil naging ligtas na aniya ang mga komunidad.
Pahayag ni Dela Rosa, kung pakiramdam aniya ng mga hindi kontento sa kampanya ng PNP ay hindi sila ligtas sa giyera kontra droga ay baka sangkot sila sa operasyon ng bawal na gamot.
Samantala, ikinatuwa ng heneral ang 85 porsiyento na kontento sa anti-drug campaign ng pamahalaan at patunay aniya ito ng totoong sentimyento ng publiko.