GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang pagbaba ng volume at supply ng droga na nakokom-piska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-12 lalo na ngayong buwan.
Ito ang sinabi ni Lyndon Aspacio, hepe ng PDEA-12, kaugnay sa kanilang kampanya laban sa droga.
Aniya, dahil ito sa mas pinahigpit na kampanya kontra sa ilegal na droga ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon sa opisyal, bagama’t mayroon pa silang nakukumpiskang droga, unti-unti na itong bumababa.
Mas nagmahal na aniya ang presyo ng ilegal na droga sa buong bansa lalo na ang shabu.