KORONADAL CITY – Isinailalim sa “state of calamity” ang bayan ng Kabacan, North Cotabato.
Ito ay dahil sa malawakang pinsala sa mga pananim bunsod ng pamemeste ng mga daga at black bug.
Napag-alaman, siyam barangay sa naturang bayan ang apektado ng pamemeste at umabot sa P11.4 milyon ang danyos sa agricultural crops sa 500 ektaryang lupain.
Sa lawak ng pinsala, umabot sa 491 magsasaka ang nahihirapan sa ngayon kung paano sila makababawi sa kanilang nasirang mga pananim.