Saturday , November 16 2024

PRRD sa US: “Pera-pera na lang tayo”

PERA na lang ang magiging pundasyon sakaling ituloy ng Filipinas ang al-yansa sa Amerika, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Makaraan magbanta sa tropang Amerikano na pauuwiin na sa US dahil ibabasura na niya ang Visiting Forces Agreement (VFA), inihayag ng Pangulo, papayagan niyang manatili pa sila sa bansa basta magbayad.

“You want to come back here? You pay us. You want bases here? Pay us. Transaction tayo, pera-pera na lang tayo, mabuti pa,” ayon sa Pangulo sa birthday party ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao kamakalawa ng gabi.

Giit ng Pangulo, pag-iimbita ng giyera sa ibang bansa ang katumbas nang pananatili sa  Filipinas ng tropang Amerikano at sa panahon na may armas nuklear ay malulusaw sa isang iglap ang mundo kaya delikadong makipagdigmaan.

“There are no wars right now, why would I allow you here? You want to create World War III? If you do that, if all the nuclear explosives are really (used), this planet won’t be around tomorrow. It’s the end for all of us, so why would be pick up a fight with anybody?” giit niya.

Wala aniyang napapala ang sundalong Filipino sa tropang Amerikano sa joint military exercises.

Mas magaling makihamok ang mga sunda-long Filipino kompara sa mga Kano dahil sa Filipinas nagaganap ang pinakamahabang insurgency sa buong Asya.

“Filipino? Walay mag-utos, labayan mo karne norte a, diretso na. They do not have air-conditioned tents but they are more durable, more brave. I tell you, do not teach us about warfare, we have the longest insurgency problem here,” aniya.

Balewala sa Pangulo ang US$433 milyon ayuda na iaatras ng US-led Millenium Challenge Corp., dahil nariyan ang China na handang ipagkaloob ang US$15 bilyon tulong sa Filipinas.

“I’ve been to China, said China, ‘we will give you something like 15 billion.’ P***** ina ‘yang Millennium mo, magkano? 400 milyon? Iyo na ‘yan. Tulong mo riyan sa mga Amerikano natutulog di-yan sa labas,” giit ng Pa-ngulo.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *