MULING tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Manny Pacquiao bilang susunod na presidente ng bansang Filipinas.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa pagdalo niya sa ika-38 kaarawan ng eight division world champion kamakalawa ng gabi sa General Santos City.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakikita niya ang landas na tatahakin ng boxing champion sa susunod na mga taon.
Magugunitang noong 2013 pa inihayag ni Pacman ang pagna-nais niyang maging pa-ngulo ng bansa.
Sagot ni Manny
MASYADO PANG MAAGA
IKINAGULAT ni Sen. Manny Pacquiao ang muling pagbanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang magi-ging susunod na pangulo ng bansa.
Sa pagdiriwang ni Pacquiao ng kanyang ika-38 kaarawan kamakalawa ng gabi, sinabi ni Duterte sa mensahe niya para sa tinaguriang “fighting senator,” nakikita na niya ang landas na tatahakin ng boxing champion sa mga su-sunod na taon.
Ngunit para kay Pacman, masyadong maaga para isipin ang kanyang pagtakbo sa nasabing posisyon.
Sa ngayon aniya, nakatuon lamang ang kanyang atensiyon sa kanyang trabaho sa Senado.
Gayondin aniya ang pagtitiyak na mabibig-yan ang publiko ng nararapat na serbisyo ng mga ahensiya ng pamahalaan.