Saturday , November 16 2024

P.7-M alahas, cash tinangay ng dugo-dugo

UMABOT sa P700,000 halaga ng mga alahas at cash ang natangay ng hindi nakilalang babaeng hinihinalang miyembro ng “Dugo-Dugo” gang, mula sa isang 18-anyos estudyante sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Sa nakatala sa blotter ng Caloocan Police Station Investigation Division (SID), nakatanggap ng tawag sa telepono ang biktimang si Chelsea Ericka Colaniba sa kanilang bahay sa 220 San Pedro St., Balut, Tondo Manila mula sa isang babae na nagsa-sabing nasangkot sa vehicular accident ang kanyang nanay at nangangailangan ng malaking halaga upang makalaya.

Inatasan ng suspek ang biktima na kunin ang nakatagong pera at mga alahas ng ina na sinunod ng estudyante.

Sinira niya ang kandado ng drawer sa kuwarto ng ina saka kinuha ang mga gintong alahas na aabot sa P100,000 at ang P600,000 cash.

Sinabihan ng suspek ang biktima na dalhin ang pera at mga alahas at magkita sila sa Puregold sa Monumento, Caloocan City na sinunod ng estudyante at mabilis na nagtungo sa naturang lugar.

Dakong 3:00 pm, nilapitan siya ng isang babaeng 35-40 ang edad at 5’4 hanggang 5’5 ang taas, sa Samson Road ng nasabing lungsod at sinabi ng suspek na siya ang inutusan ng abogado na may hawak sa kaso ng kanyang ina.

Ibinigay ng biktima sa suspek ang dalang bag na pinaglagyan ng pera at mga alahas bago mabilis na umalis ang babae saka muling tinawagan ang estudyante sa cellphone at sinabihang umuwi na.

Pagkauwi ng estudyante, sinabi niya sa kanyang ina ang nangyari na ikinadesmaya ng ginang.

Agad nagtungo ang mag-ina sa himpilan ng pulisya at humingi ng tulong para mahuli ang suspek.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *