IBINASURA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard na hayaan muna siyang magsagawa ng imbestigasyon sa extrajudicial killings saka siya bigyan ng pribadong briefing sa kanyang magiging findings at magsagawa ng joint press conference.
Una nang tinanggihan ni Callamard ang mga kondisyon ni Pangulong Duterte dahil labag aniya ito sa “code of conduct” ng kanyang tungkulin bilang Special Rapporteur.
Sinabi ni Pangulong Duterte, naninindigan siya sa kanyang kondisyong magkaroon ng public debate para harapan niyang masagot ang kanyang kaso.
Ayon kay Pangulong Duterte, nais niyang tanungin kung saan nakuha ni Callamard ang impormasyong extrajudicial killings na aniya’y basura.
Kasabay nito, naninindigan ang pangulo na walang paglabag sa kanyang pag-aming pagpatay ng kriminal sa isang enkwentro.
“No, I want it discussed in public so she can state her case ganoon ginawa mo then I can refute her. Kasi tatanungin ko lang siya, where did you get that garbage that — anong extrajudicial killing? E kung andiyan ka, e kagaya no’n, How can you now rely on itong Amnesty International. The idiot just said that Duterte admits killing suspect, when I was facing a kidnapper, tatlo. Apat lang kami. Si Estares, Colonel Estares noon, general, retired na. Ako, kasi hindi namin akalain na doon sila… usually kasi pag magpasok ka, hindi ka babalik. Diretso ka na. So ‘yung mga tropa nandoon sa likod ng bahay. Kasi ‘yan pag nandon ang daan e. So kami rito apat lang naghihintay, bigla lang nag u-turn papunta sa amin, a ‘di barilan,” ani Pangulong Duterte.