BINUWELTAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang international human rights group na Amnesty International at tinawag na tanga dahil mas nababahala sa pagpatay ng mga awtoridad sa mga sangkot sa illegal drugs kaysa pamamayagpag ng drug syndicate.
“Itong mga iba, kaya ako nagmumura, akala ko ba ally kayo? Instead of offering help, here comes the idiots pati itong, ‘yung sa newspaper ‘yung Amnesty International, itong representative nila sa Asia, he said that, ‘Duterte when he talks to the police of killing, he is promoting impunity.’ Well, how about the impunity of the idiots here producing drugs? Wala mang impunity, wala man akong patayin kung behaved kayong lahat diyan,” aniya sa birthday ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Giit niya, kasalanan ng mga sabit sa illegal drugs trade kung mapatay sila ng mga awtoridad dahil binigyan na sila ng warning na itigil na ang pagbebenta ng droga ngunit ayaw makinig.
Muli niyang sinabi na hindi ititigil ang kanyang drug war hanggang maubos ang mga drug lord sa bansa.
“But ‘pag ayaw mo talaga, nag-warning na ako e. At kung hindi ka — I will not stop until the last pusher is out of the streets and the last drug lord exterminate. I ordered them, go and destroy the apparatus of the drug menace. It was rich, terrifying proportions,” aniya.
Nauna nang inihayag ng Palasyo, nakababahala ang pagtaas ng bilang ng narco-politicians sa nakalipas na mga taon, namili sila ng mga boto gamit ang drug money at hindi pina-nanagot sa batas sa Filipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, mas nakaaalarma na hindi ito nauunawaan ng local at international observers na nagpahayag na dapat ituring na public health issue ang problema sa droga sa bansa at dapat ay may respeto sa karapatang pantao ng mga sangkot dito.
Para aniya sa Palasyo, isang usapin ng pambansang seguridad ang illegal drugs bukod sa public health at social issue.
ni ROSE NOVENARIO