IMINUNGKAHI ni Sen. Panfilo Lacson na bumuo ang pamahalaan ng isang lupon na mag-iimbestiga sa mga kaso ng extrajudicial killings.
Hiwalay pa aniya ito sa Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) na sumisiyasat sa mga kasong kinasasangkutan ng mga pulis.
Ayon kay Lacson, mai-nam na ang mag-imbestiga sa mga ganitong kaso ay hindi direktang bahagi ng organisasyon.
Layunin nitong magkaroon ng higit na kalayaan ang lupon na alamin ang katotohanan, kahit masagasaan pa ang sino mang opisyal ng pamahalaan.