Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

No. 10 most wanted drug personality timbog sa buy-bust

ARESTADO ng mga pulis ang isang babaeng tinaguriang no.10 most wanted drug personality at kanyang kasabwat sa drug buy-bust operation sa Malabon City kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief, Insp. Lucio Simangan Jr., ang mga naaresto na sina Lucia Almario, alyas Lucy, 45, ng Blk. 12B, Lot 35, Phase 1, A3, Hasa-Hasa St., Brgy. Longos; at Frank Mendez, alyas Joey, 27, ng Re-paro St., Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon sa ulat, dakong 1:00 am nang madakip ang mga suspek sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Gruop (SAID-SOTG) sa pangu-nguna ni PO3 Michael Angelo Solomon sa Hasa-Hasa St., Brgy. Longos. (ROMMEL SALES)

2 TULAK ARESTADO SA PARAK

ARESTADO ang dalawang lala-king hininalang tulak ng droga sa buy-bust operation ng mga tauhan ng SAID SOTU ng Manila Police District PS 9 sa Malate, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nakapiit na sa MPD PS 9 ang mga suspek na sina Eduardo Garrido, 55, residente sa C. Tuazon St., Malate, at Robert Ricafort, 44, taga-Singalong St., Malate.

Dakong 10:00 pm nang maa-resto ang mga suspek sa buy-bust opeation ng mga awtoridad sa F. Munoz St., kanto ng Tuazon St., Malate.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …