Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis, uunahan daw ni Christian na bigyan ng apo ang kanilang Mama Vi

NALOKA si Congresswoman Vilma Santos-Recto sa naging pahayag ng kanyang bunsong si Christian Santos-Recto, kapatid ni Luis Manzano sa ina, dahil kung hindi pa raw mabibigyan ng apo ng kanyang Kuya ang kanilang ina ay siya na ang magbibigay.

Nangyari ito sa tsikahan ng ilang press kay Star For All Seasons na talagang sinadyang puntahan sa Lipa for the early Christmas gift, gift daw oh! Sa nasabing tete-atee ay nagpahayag ang Congresswoman na gustong-gusto nang magka-apo pero wala raw maaasahan kay Luis dahil wala yatang itong planong pakasalan si Jessy Mendiola in the near future.

Bigla raw sumabat si Christian na nasa malapit na upuan na siya na lang daw ang magbibigay ng apo dahil ready na siyang pakasalan ang kasalukuyang girlfriend. Nagulat siyempre si ate Vi at pinagsabihan ang bunso na huwag iyong gagawin dahil ayaw pa niyang mag-asawa ito.

Hala ka Luis, uunahan ka pa ng kapatid mong bunso ha ha ha.

Samantala, kung walang pag-amin sina Luis at Jessy tungkol sa kanilang relasyon ay kitang-kita naman sa kanilang mga uploaded pictures sa Instagram na sila na.

Noong November 24 ay pumunta sa Phuket, Thailand ang dalawa at ang unang nag-upload ng kanilang picture sa social media ay si Jessy na naka-swimsuit at sumunod naman si Luis habang nagte-train para sa kanilang combat sport na Muay Thai. Mayroon pa silang pictures na naka-post na naka-swimsuit sila sa Kata Beach, Phuket.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …