NAKATAKDA nang i-deliver ang mga baril na inorder ng Filipinas mula sa China.
Sa kanyang pagsasalita sa pagbisita sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command sa Camp Aquino sa Tarlac City, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ng China, ang mga armas ay nakahanda nang ibiyahe patungo ng Filipinas.
Ayon sa pangulo, gusto ng China na ibigay ang na-sabing armas ngunit paglilinaw niya, hindi ito libre kundi babayaran sa loob ng 25 taon.
Dahil walang maluwag na oras para magtungo sa China para tanggapin ang mga baril, inatasan niya si Defense Secretary Delfin Lorenzana para tumanggap nito.
Ang nasabing offer ng China ay kasunod nang pagkansela ng Filipinas sa aabot sa 26,000 rifle deal ng PNP mula sa US.
Kamakailan, personal na bumisita ang Pangulong Duterte sa China upang plantsahin ang relasyon ng dalawang bansa, na naging matamlay dahil sa bangayan sa isyu ng awayan sa ilang isla sa West Philippine Sea.