Saturday , November 16 2024

2 dedo, 3 sugatan sa P4-M hold-up sa Capiz

121316_front

ROXAS CITY – Dalawa ang patay habang tatlong iba pa ang sugatan sa panghoholdap sa bayan ng President Ro-xas, Capiz kamakalawa.

Napatay ng mga suspek ang negosyanteng si Arnel Bucayan, habang patay rin ang suspek na si Roger Estrella ng Misamis Oriental, nang mabaril ng security guard na nagtatrabaho sa hardware ng negosyante.

Sa imbestigasyon, pauwi na sana si Arnel at ang kanyang asawa na si Analou Bucayan galing sa kanilang grocery store nang tambangan ng da-lawang lalaking sakay ng motorsiklo saka inagaw ang bag ng ginang na may lamang halos P4 mil-yon.

Nagpumiglas ang mag-asawa kaya’t pinagbabaril sila ng mga suspek.

Nagawang makipagbarilan ng security guard sa mga suspek at tinamaan ang isa sa kanilang kasamahan na si Estrella na nagsilbing look-out.

Ayon sa mga saksi sa insidente, nang matamaan si Estrella ay binaril na lamang siya hanggang sa mamatay ng isa niyang kasamahan bago tumakas ang mga hol-daper.

Agad dinala sa ospital sa Roxas City ang mag-asawang Bucayan ngunit binawian ng buhay ang lalaki.

Sugatan din ang isang menor de edad na tinamaan ng bala at ang driver ng mag-asawa na si Jonel Hinog.

Nahuli sa hot pursuit operation ng pulisya ang mag-amang sina Jose Dacula at Erwin Dacula, pawang mga residente ng bayan ng Sara, Iloilo,  pinaniniwalaang kasabwat ng mga suspek sa krimen.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *