Sunday , December 22 2024

Tutulan GMO

DAPAT mag-doble kilos ang mga taong naniniwala na masama ang mga pagkain na may bakas ng Genetically Modified Organism sa kanilang information drive dahil kumikilos na ang mga dambuhalang dayuhang kompanya na nagsusulong nito sa ating bansa katulong ang ilang kababayan na siyentipiko at public relations practitioners.

Malinaw na sa karamihan ng mga siyentipiko ng mundo na walang katiyakan ang kaligtasan ng GMO. Ito ay produkto ng mga (dayuhang) kompanya na kung ilang ulit nang nabuking na sinunga-ling at walang pakundangan sa kalusugan ng mga tao. Ang mga kompanyang ito ang nasa likod ng agent orange, ng mga pestisidyong ngayon ay ban na sa mundo (maliban siguro sa ating bansa), at mga gamot na kanser ang side effect.

Ito rin ang mga kompanya na ang pakiramdam sila ang papalit sa Dakilang Arkitekto ng Sangkalawakan kaya nga ayon sa mga haka-haka ng ilan nating mga katoto ay “God Move Over” ang tunay na ibig sabihin ng GMO.

Araw-araw ay may mga lumalabas na ulat kaugnay ng kasamaan ng GMO sa ating kalusugan. Karamihan sa mga ulat na ito ay mula sa mga kasalukuyang pagsasaliksik na isinasagawa ng mga siyentipiko mula sa Europa, bansang Hapon at Tsina.

Lumalabas na ang mga pagkaing may GMO ay nagdudulot ng sari-saring sakit (kabilang na ang kanser at pagka-baog) kabaligtaran sa ipinagpupumilit ng mga lumilikha at nagtitinda nito na ito’y ligtas kainin. Dahil dito ay lumalaki na ang bilang mga bansa na nagbabawal sa pagtitinda ng GMO kabilang na rito ang Ireland, Saudi Arabia, Hungary, Peru, Sri Lanka and Thailand. Binabalak na rin ng European Union na ipagbawal na ang lubusang pagmemerkado ng mga pagkaing may GMO sa mga bansang kasapi nito.

Kabilang sa mga naghihigpit sa pagbebenta ng mga pagkaing may GMO ay mga bansang Algeria, Egypt, Japan, China, Norway, Austria, Germany, United Kingdom, Spain, Italy, Greece, France, Luxembourg, Portugal, Brazil at Paraguay.

Para sa listahan ng mga pagkaing may GMO ay maaari ninyong pasyalan ang website na ito:http://shiftfrequency.com/comprehensive-list-of-gmo-products/

* * *

Ayon kay Jeffrey Smith, isang anti-GMO advocate, dapat lagyan ng tatak ng pamahalaan ang mga pagkaing may GMO para alam ng tao kung ano ang kanilang kinakain. Pinuna rin niya ang kapalpakan ng ating sariling Food and Drug Association na wala man lamang pag-aatubili na pagtanggap sa mga pagkaing may GMO.

“The Philippines FDA was being overly optimistic when they claimed that the GMOs on the market meet the FAO/WHO safety assessment criteria. In fact, the Bt-corn, Roundup Ready soy, and GM papaya all fail their criteria. Furthermore, companies refuse to use the FAO/WHO safety testing guidelines, choosing instead research protocols that are far less capable of finding health problems,” pagbubunyag ni Smith.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *