AABOT sa P3.1 milyon halaga ng mga kemikal at kagamitan sa paggawa ng shabu ang winasak ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Valenzuela City kahapon ng umaga.
Pinangunahan ni PDEA Director General Isidro Lapeña ang pagwasak sa nakompiskang iba’t ibang uri ng mga kemikal at kagamitan sa paggawa ng shabu sa Green Planet Management, Incorporated sa Brgy. Punturin dakong 8:00 am.
Ang pagwasak ng PDEA sa naturang mga kagamitan at kemikal ay upang ipakita sa publiko na hindi ito ire-recycle at hindi na mapakikinabangang muli.
“PDEA continues to regularly conduct activities to destroy illegal drugs, CPECs and laboratory equipment right before the probing eyes of the public, thus allaying any misconception that these piece of drug and non-drug evidence are being recycled for other purpose,” Pahayag ni Lapeña. (R. SALES)