Tuesday , April 15 2025

Hamon sa oposisyon: Go ahead impeach me — Digong

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang oposisyon na sampahan siya ng impeachment case kaysa mag-ingay .

“They can go ahead. Bakit pa mas maraming daldal? Sige na, impeach na… Hayaan mo sila. Sige impeachable, go ahead,” aniya kahapon.

Ang pahayag ng Pangulo ay reaksiyon sa sinabi ni Sen. Leila de Lima na puwedeng ma-impeach ang Punong Ehekutibo bunsod nang pagkampi sa mga pulis na sangkot sa pagpaslang kay Albuera, Leyte Ma-yor Rolando Espinosa Sr., dahil ito’y ‘betrayal of public trust.”

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi puwede ipa-impeach ang Pangulo kung pagbabatayan ang argumento ni De Lima na taliwas ang posisyon ni Duterte sa findings ng NBI na rubout ang nangyari kay Espinosa at hindi nanlaban gaya ng bersiyon ng mga pulis.

“Of course not. Why should it be an impeachable offense? It’s not even an offense,”  ani Panelo.

Tungkulin aniya ng Presidente na tulungan ang kanyang mga tauhan na ipagtanggol ang kanilang mga sarili lalo na’t wala pang pormal na kasong isinampa laban sa kanila.

Ang korte aniya ang hahatol kung guilty ang mga pulis sa ibinibintang sa kanila.

“It doesn’t mean the NBI is correct because the court will have to decide whether they are correct or not. The presumption of innocence applies to all the accused in this case. Moreover, the presumption of regularity is not yet overcome so they have to file charges,” giit ni Panelo.

Tiniyak aniya ng Pangulo na maaaring magbago ang kanyang isip kapag nakapagharap nang mas matitibay na ebidensiya ang NBI laban sa mga pulis para patunayan na rubout ang pagpaslang kay Espinosa.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *