Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot na Chinese tumalon sa 10/F ng condo dedo

HINIHINALANG tumalon mula sa ika-10 palapag ng condomin-ium ang isang babaeng Chinese nitong Miyerkoles ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay City Police chief, Senior Supt. Lawrence Coop, ang biktimang si Chen Juan, 23, pansamantalang tumutuloy sa Unit 1008 ng Antel Tower sa Roxas Blvd. ng lungsod, tubong Sanmiao Town, Hechuan Dist., Chongquing, China.

Sa report ni Chief Inspector Rolando Baula, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) dakong 11:45 pm nang matagpuang wala nang buhay ang biktima sa ikalimang pa-lapag ng Antel Tower.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo sa condo ng biktima ang mga kaibigan niyang sina Wei Zhuo at Shan Lie, kapwa Chinese national, ngunit hindi binubuksan ni Chen ang pintuan kahit ilang beses na silang nag-door bell.

Sinubukan nilang tawagan ang cellphone ng biktima ngunit hindi sumasagot.

Sa tulong ng security guard, puwersahan nilang binuksan ang pinto ngunit wala roon ang biktima at kalaunan ay natagpuang walang buhay sa ikalimang pa-lapag ng condo.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …