SIYAM pulis na miyembro ng Caloocan Police Station Anti-Illegal Drugs (SAID) na nahuli sa close circuit television (CCTV) habang ninanakawan ang isang drug suspect sa Brgy. 187 Tala, ang sinibak sa puwesto ni Northern Police District (NPD) Director, Senior Supt. Roberto Fajardo.
Agad inutusan ni Fajardo si Senior Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City Police, na tanggalan ng service pistol at police badge ang mga pulis na sina SPO2 Noli Albis, SPO2 Remigio Valderama, PO2 Jay Jano, PO2 Benedict Antaran, PO2 John Francis Taganas, PO1 John Ray Dela Cruz, PO1 Carlomar Donato, PO1 Alexander Buhayo at PO1 Rodie Germina.
Ang mga pulis ay sinampa-han ng kasong administratibo at kriminal. Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni Emilia Calanday, hi-nihinalang sangkot sa droga, ng Barrio Santo Niño, Brgy. 187 Tala, sinabing sapilitang pumasok sa kanyang Toyota Innova (JBU-434) ang mga pulis at ninakaw ang kanyang mga gamit.
(ROMMEL SALES)