Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

7 utas sa QC drug bust

PITONG hinihinalang drug personalities ang napatay nang lumaban sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na lugar sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, unang napatay sina Constantino de Juan, 37, ng Brgy. Payatas B, Quezon City, at ang kanyang dalawang kasama na sina alyas Buhay at alyas Teteng sa nabanggit na lugar.

Samantala, bandang 7:32 pm kamakalawa, napatay ng mga tauhan ng Novaliches Police Station 4 si Alvin David, 25, ng 11 Ivory Riverside, Odelco Subd. Brgy. San Bartolome.

Dakong 10:35 pm, napatay ng mga tauhan ng PS6 sina Jerry Baldosa, at Ronaldo Morales, kapwa residente ng Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan.

Habang dakong 2:00 am kahapon, napatay ng Fairview Police Station 5 si Jessie Malamug, ng Verbena St., Brgy. Greater Fairview.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …